Fish vendor, natagpuang patay
- BULGAR
- Sep 5, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | September 5, 2023
CAPIZ -- Isang fish vendor ang natagpuang patay kamakalawa sa gilid ng kalsada sa Bgy. Astorga, Dumarao sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Remmuel Dejada, 36, residente ng Bgy. Mahunod-Hunod, Cuartero sa nasabing lalawigan.
Napag-alaman na ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima sa gilid ng kalsada sa nabanggit na lugar.
Huli umanong nakitang buhay si Dejada habang lulan ng kanyang motorsiklo para mamili ng mga ibebenta niyang isda.
May hinala ang mga awtoridad na biktima ng panghoholdap si Dejada dahil may palatandaan na pinalo ito ng matigas ng bagay sa kanyang likod kaya sumemplang at nawawala rin ang sling bag nito na naglalaman ng P10,000.



Comments