Magpinsan patay sa kidlat
@Balitang Probinsiya | May 22, 2023
BATAAN—Patay ang magpinsan at isa pa ang nasa kritikal na kalagayan nang tamaan ng kidlat kamakalawa sa Brgy. Palili, Samal sa lalawigang ito.
Ang mga nasawi ay sina Kevin at Elvin Sacris, kapwa nasa hustong gulang, samantalang ang nasa kirtikal na kalagayan ay si Eddie Sacris, 40-anyos, pawang residente sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, habang nasa bukid ay biglang bumuhos ang ulan at kasunod ang pagkidlat na tumama sa mga biktima.
Nabatid na nagtamo ng 3rd degree burn sa katawan at nawalan ng ulirat ang mga biktima.
Dinala ng mga residente ang mga biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival sina Kevin at Elvin.



Comments