top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Magpinsan nakuryente, 1 patay

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 28, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | November 28, 2023

CAPIZ -- Isang laborer ang namatay at nasa kritikal na kalagayan naman ang pinsan nito nang makuryente sila kamakalawa sa Brgy. Aranguel, President Roxas sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Edmond Bonayuon, samantalang ang pinsan nito ay si Romar Bonayuon, kapwa nasa hustong edad at mga residente sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, tumulong ang magpinsan sa pagtayo ng poste ng isang telecommunication company sa naturang lugar at aksidenteng nahawakan ng mga biktima ang live wire ng Capiz Electric Cooperative kaya nakuryente ang sina Edmond at Romar.


Napag-alaman na sa lakas ng boltahe ay kapwa nagtamo ng 3rd degree burns ang mga biktima.


Dinala ng mga residente ang magpinsan sa pagamutan, pero idineklarang dead-on-arrival si Edmond.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page