Magnanakaw ng sinampay, timbog
@Balitang Probinsiya | August 1, 2023
AKLAN -- Isang magnanakaw ng mga sinampay na damit at pantalon ang nadakip ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Culaso, Roxas City sa lalawigang ito.
Hindi na muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan ito sa himpilan ng pulisya.
Napag-alaman na dinakip ng pulisya ang suspek matapos na ireklamo ito ng kanyang kapitbahay na ninakawan niya ng mga sinampay na damit at pantalon.
Nabatid na itinuturing na notoryus na magnanakaw ng mga sinampay ang suspek dahil maraming kaso ito ng pangungulimbat sa lalawigan.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang arestuhin ng mga awtoridad at nakapiit na ngayon sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments