top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Magnanakaw ng cable wires, nasakote

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 4, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | June 4, 2023


NEGROS OCCIDENTAL—Isang magnanakaw ng cable wires ang dinakip ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Bata, Bacolod City sa lalawigang ito.


Pansamantalang hindi na muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan ito sa himpilan ng pulisya.


Ayon sa ulat, nakita ng mga nagpapatrolyang tauhan ng pulisya na ninanakaw ng suspek ang mga cable wires ng internet sa nasabing barangay kaya agad itong dinakip ng mga awtoridad.


Kusa namang sumama sa pulisya ang suspek nang dakpin sa nasabing lugar.


Nakapiit na ngayon ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya at sinampahan na ng kasong qualified theft.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page