top of page
Search
  • BULGAR

Magkasintahan, timbog sa drug-bust

@Balitang Probinsiya | December 6, 2023

CAPIZ -- Inaresto ng mga otoridad ang magkasintahang drug pusher sa drug-bust operation ng mga operatiba kamakalawa sa Brgy. Punta Tabuc, Roxas City sa lalawigang ito.


Kinilala ang mga suspek na sina Jonathan Villaruz, 32 at Anna Marie Azarcon, 29, kapwa nakatira sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, nadakip ang mga suspek sa isinagawang drug-bust operation ng mga operatiba sa nabanggit na barangay.


Nakakumpiska ang mga otoridad ng 20 gramo ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.


Kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang magkasintahang drug pusher.


0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page