Magkasintahan, timbog sa drug-bust
- BULGAR
- Nov 17, 2021
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | November 17, 2021
QUEZON—Inaresto ng mga awtoridad ang magkasintahang drug pusher sa drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. 4, Lucena City.
Ang mga suspek ay nakilalang sina Christian Pureza, at Shela Villena, kapwa nasa hustong gulang at parehong residente sa nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, naaresto ang mga suspek sa isinagawang drug-bust operation sa nabanggit na barangay.
Nakapiit na ang dalawa na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng 23 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.



Comments