Magkasintahan, tiklo sa droga
- BULGAR
- Oct 7, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | October 07, 2023
BACOLOD CITY -- Inaresto ng mga awtoridad ang magkasintahang drug pusher sa drug-bust operation ng mga operatiba kamakalawa sa Sitio Kahirup, Bgy. Singcang-Airport sa lungsod na ito.
Kinilala ang mga suspek na sina Leo Dungon, 36-anyos at Rodelyn Camento, 19-anyos, kapwa nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, naaresto ang mga suspek sa isinagawang drug-bust operation ng mga operatiba sa nabanggit na barangay.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng 50 gramo ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Kapwa nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang magkasintahang drug pusher.



Comments