top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Magkasintahan, sugatan sa aksidente

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 3, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 3, 2023


AKLAN -- Sugatan ang magkasintahang binatilyo at dalagita na magkaangas sa motorsiklo nang mabangga sila ng isa ring motorsiklo kamakalawa sa Brgy. Linabuan Norte, Kalibo sa lalawigang ito.


Dahil kapwa menor-de-edad ay hindi na pinangalanan ng pulisya ang magkasintahang biktima na kapwa residente sa nasabing bayan.


Ayon sa ulat, mabilis ang takbo ng motorsiklong minamaneho ni Alex Orbista, 29, kaya nabangga nito ang motorsiklong kinalululanan ng magkasintahang biktima.


Nabatid na nagkaroon ng malaking pinsala sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan ang mga biktima.


Dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital, at kasalukuyan na silang ginagamot, samantalang kusa namang sumuko sa pulisya si Orbista.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page