top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Magkasintahan, nabiktima ng ‘Basag Kotse Gang’

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 29, 2024
1 min read

@Balitang Probinsiya | Enero 29, 2024

ILOILO CITY -- Nabiktima ng “Basag Kotse Gang” ang magkasintahang kumakain sa restaurant kamakalawa sa Brgy. Tabuc Suba, Jaro District sa lungsod na ito.

 

Itinago ng mga otoridad ang mga biktima sa mga pangalang “Ron” at “Rina”, kapwa residente sa nabanggit na lungsod.

 

Ayon sa ulat, ipinarada ni “Ron” ang kotse sa harap ng restaurant para kumain, kasama ang kanyang nobya, at nang matapos kumain at pasakay na sila ay dito nila natuklasan na basag na ang kanang bintana ng kanyang sasakyan at nawawala na sa loob nito ang kanyang cellphone at iba pang gadgets.

 

Agad nagtungo sa himpilan ng pulisya ang magkasintahan at ini-report ang nangyari na posibleng nabiktima sila ng “Basag Kotse Gang”.

 

Naglunsad na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang mga suspek.

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page