Magkasintahan, huli sa drug-bust
@Balitang Probinsiya | July 1, 2023
QUEZON -- Inaresto ang magkasintahang drug pusher sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Malabanban Sur, Candelaria sa lalawigang ito.
Kinilala ang mga suspek na sina Joey Penamora at Glenda Barbarosa, kapwa nasa hustong gulang at parehong residente sa nasabing lugar.
Ayon sa ulat, nadakip ang mga suspek sa drug-bust operation ng mga operatiba sa nabanggit na barangay.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng ilang gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments