Magkapatid, patay matapos tamaan ng kidlat
- BULGAR

- Jul 14, 2020
- 1 min read
ni Twincle Esquierdo - | July 14, 2020

Patay ang magkapatid na babae matapos tamaan ng kidlat sa Laurel, Batangas nitong Linggo.
Ayon sa ina ng biktima na si Maria Magsino, umakyat ng bundok sina Kathlene, 15-anyos at Kheycee, 13-anyos ng alas-10 ng umaga para manguha ng buko at manga na gagamitin sangkap sa ibebentang suman.
Dahil inabot ng masamang panahon na may kasamang kulog at kidlat sumilong muna ang magkapatid sa isang kubo, ngunit hindi alam ng mga magulang nito na ito magiging dahilan ng pagkamatay ng dalawa nilang anak.
Dead on arrival ng dinala sa ospital ang magkapatid, kinumpirma rin ng doktor na kidlat ang dahilan ng pagkamatay nito.
Masakit sa magulang ang pagkawala ng dalawa lalo sa ama nito na si Jason dahil double ingat ang ginawa nito lalo na ngayong panahon ng pandemya.
“Sobra ang pag-iingat na ginagawa ko sa aking mga anak. Unang unang ho ang mga 'yan di ko pinaalis ng bahay. Kung aalis man ho dito lang sa bundok pupunta ng bukid yun lang," aniya.
Saad naman ng kanilang kapatid na si Khristel, ”Napakabait po ng dalawang 'yan, lalo na po sa magulang ko. Hindi po sila naghihiwalay ng aking ina kung nasan po ang aking ina nandun din po ang dalawang yan,"
Ayon sa mga pulisya, isa sa tinitignan nilang angulo ay maaaring dahil sa cellphone ni Kheycee kaya tinamaan sila ng kidlat.
"Siguro kaya nagkaganun ay dahil sa cellphone nung isa sa kanilang anak na si Kheycee nakababata, nung pagkatama ng kidlat, nakita nila na nagcrack ang cellphone ng batang si Kheycee," ani Police Capt. Garry Abregunda, hepe ng Laurel Municipal Police Station.





Comments