top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Magkapatid nalunod sa ilog

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 27, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 27, 2020



ILOILO—Namatay ang magkapatid na menor-de-edad nang malunod kamakalawa habang naliligo sa ilog na sakop ng Bgy. Calicuang, Dingle.


Sa kahilingan ng pamilya ay hindi na pinangalanan ng pulisya ang dalawang menor-de-edad na biktima.


Ayon sa ulat, isinama ng kanilang ama ang dalawa niyang anak sa ilog para linisin ang kanyang motorsiklo.


Nabatid na habang nililinis ng ama ang kanyang motorsiklo ay naligo sa ilog ang dalawa niyang anak hanggang sa mapagawi ang mga ito sa malalim na bahagi ng tubig kaya nalunod ang mga biktima.


Kaagad sumaklolo ang mga residente, pero bangka na nang maiahon sa ilog ang magkapatid na biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page