Magkapatid na tulak, huli sa drug-bust
@Balitang Probinsiya | December 19, 2022
ABRA—Inaresto ng mga awtoridad ang magkapatid na drug pusher sa drug-bust operation kamakalawa sa bayan ng San Quintin.
Kinilala ang magkapatid na suspek na sina Alexander, 45-anyos at Melvin Agtual, 35-anyos, kapwa residente ng Sta. Maria, Ilocos Sur.
Ayon sa ulat, naaresto ang mga suspek sa isinagawang drug-bust operation sa nabanggit na bayan.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng 30 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng magkapatid na suspek.
Nakapiit na ang magkapatid na suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments