Magkapatid na-hit and run ng rider
@Balitang Probinsiya | November 5, 2023
AKLAN -- Sugatan ang magkapatid na magkaangkas sa motorsiklo nang ma-hit and run sila ng isang rider na lulan din ng isang motorsiklo kamakalawa sa Brgy. Poblacion, Kalibo sa lalawigang ito.
Nakilala ang magkapatid na biktima na sina Kim, 26 at Aiza Opiniano, 22, kapwa nakatira sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, habang minamaneho ni Kim ang kanyang motorsiklo at kaangkas si Aiza ay nabangga sila ng isang motorsiklo na minamaneho ng hindi pa nakikilalang rider.
Nabatid na imbes tulungan ang magkapatid ng naaksidente ay mabilis na tumakas ang suspek na rider.
Sa ngayon ay ginagamot pa sa ospital ang magkapatid na biktima, samantalang nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang tumakas na rider.



Comments