Magkapatid na bata nalunod
@Balitang Probinsiya | November 4, 2022
NORTH COTABATO—Namatay ang magkapatid na bata kamakalawa nang kapwa malunod sa ilog na sakop ng Bgy. New Bohol, Kidapawan City.
Ang mga biktima ay ang magkapatid na Hanz, 13-anyos at Angelica Villaber, 11-anyos, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.
Nabatid na naliligo umano sa ilog ang magkapatid nang rumagasa ang tubig, kaya nalunod si Hanz.
Ayon sa mga saksi, tinangka ni Angelica na saklolohan ang kanyang kapatid, pero maging siya ay nalunod din.
Bagama't agad sumaklolo ang mga residente, patay na ang magkapatid nang maiahon nila sa ilog.



Comments