top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Magkaibigan, na-hit-and-run ng SUV

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 9, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | March 9, 2021



AKLAN—Sugatan ang magkaibigang sakay ng motorsiklo nang ma-hit-and-run sila ng SUV (sports utility vehicle) kamakalawa sa Bgy. Bulwang, Numancia.


Tanging ang driver lang ng motorsiklo ang nakilala ng pulisya sa pangalang Noel de Manuel, samantalang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng isa pang biktima.


Ayon sa ulat, minamaneho ni De Manuel ang kanyang motorsiklo at kaangkas ang kanyang kaibigang lalaki nang aksidenteng nabangga sila ng rumaragasang SUV na minamaneho ng hindi nakilalang driver.


Sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng mga pinsala sa ulo at katawan ang dalawang biktima na kapwa ginagamot na sa ospital, samantalang mabilis na tumakas ang driver ng SUV.


Pinaghahanap na ng pulisya ang suspek na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to double physical injury and damage to property.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page