Magkaangkas sa motorsiklo, patay sa pick-up
- BULGAR
- Dec 11, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | December 11, 2023
LANAO DEL NORTE -- Namatay ang magkaangkas sa motorisklo nang mabangga sila ng isang pick-up kamakalawa sa Brgy. Lanipao, Lala sa lalawigang ito.
Ang mga biktima ay kinilala ng pulisya na sina Ferdinand Sabas, 18 at Alexa Bano, 16, kapwa nakatira sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho ng pick-up ang hindi pinangalanang driver kaya nabangga nito ang motorsiklong kinalululanan ng mga biktima.
Nabatid na sa lakas ng impact, nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang mga biktima na agad nilang ikinamatay.
Napag-alaman na sinampahan na ng mga otoridad ang pick-up driver ng kasong reckless imprudence resulting to double homicide and damage to property.



Comments