top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Magkaangkas sa motorsiklo niratrat

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 11, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | April 11, 2023



ZAMBOANGA CITY—Dalawang lalaki na magkaangkas sa motorsiklo ang namatay nang barilin ng mga hindi kilalang armadong salarin kamakalawa sa Bgy. Santa Maria sa lungsod na ito.


Isa lang sa dalawang biktima ang nakilala sa pangalang Jerry Alicanda.


Ayon sa ulat, lulan ng isang motorsiklo ang dalawang biktima nang bigla silang pagbabarilin ng mga salarin.


Dinala pa ng mga saksi ang dalawang biktima sa ospital, pero kapwa sila idineklarang dead-on-arrival.


Nagpalabas na ng manhunt operation ang mga awtoridad para madakip ang mga suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page