Magkaangkas sa motorsiklo, dedo sa pick-up
@Balitang Probinsiya | November 16, 2021
CAMARINES NORTE—Patay ang magkaangkas sa motorsiklo nang aksidenteng mabangga sila ng pick-up kamakalawa Bgy. San Felipe, Basud.
Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Jan Hillera at Francisco Derez, kapwa nasa hustong gulang at parehong residente sa nasabing bayan.
Ayon sa mga saksi, mabilis ang takbo ng pick-up Alberto Abao kaya aksidenteng nabangga ang motorsiklong kinalululanan ng dalawang biktima.
Kaagad sumaklolo ang mga residente at dinala sa pagamutan ang dalawang biktima, pero kapwa sila idineklarang dead-on-arrival.
Nahaharap si Abao sa kasong reckless imprudence resulting to double homicide and damage to property.



Comments