Magkaangkas sa motorsiklo, dedo sa ambush
- BULGAR
- Mar 30, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | March 30, 2023
NEGROS OCCIDENTAL—Dalawang lalaki na magkaangkas sa motorsiklo ang namatay sa pang-a-ambush na ginawa ng mga hindi kilalang salarin kamakalawa sa Bgy. 5, Isabela sa lalawigang ito.
Sa ngayon, inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng dalawang biktima.
Ayon sa ulat, habang lulan ng isang motorsiklo ang dalawang biktima ay sumulpot ang mga suspek at agad silang pinagbabaril hanggang mapatay.
Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na nagtamo ng maraming tama ng bala sa katawan ang dalawang biktima.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang mga salarin.



Comments