top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Magkaangkas sa motor nahulog sa bangin

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 6, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | March 6, 2023



BATANGAS—Dalawang babaeng magkaangkas sa motorsiklo ang sugatan nang mahulog kamakalawa sa bangin na sakop ng Bgy. Malabrigo, Lobo sa lalawigang ito.


Isa lang sa dalawang babae ang nakilala ng pulisya, at siya ay si Lorena Gonzaga, 53-anyos, samantalang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng isa pang biktima.


Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol si Gonzaga sa pagmamaneho ng motorsiklo habang kaangkas ang kasama niyang babae kaya nahulog sila sa bangin.


Nabatid na kaagad sumaklolo ang mga residente at dinala sa pagamutan ang dalawang biktima.


Nabatid na patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naganap na aksidente.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page