top of page
Search
BULGAR

Maging maingat sa pagbebenta, pagpapalit ng cellphone

@Editorial | June 14, 2024



Editorial


May payo ang PNP Anti-Cybercrime Group sa publiko partikular sa mga nagbebenta o nagpapalit ng cellphone.


Ito’y kasunod ng pagkakahuli sa isang lalaki na nag-blackmail umano sa isang menor-de-edad na babae.


Ayon sa ulat, nakabili ang suspek ng cellphone mula sa isang tiangge kung saan ang naturang cellphone ay naglalaman ng mga nude photos ng biktima.


Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na ang cellphone ay ibinenta ng dating boyfriend ng menor-de-edad at hindi nabura ang mga piktyur nang ibinenta sa ibang indibidwal.


Kaugnay nito, humihingi umano ang suspek ng pera mula sa babae kapalit ng pagbura niya sa mga hubad na larawan nito.


Agad din namang nagkasa ng operasyon ang kapulisan at naaresto ang suspek.


Kung ibebenta o papalitan ang lumang cellphone, tiyaking nabura ang lahat ng data, naka-log out sa lahat ng account, at nabalik sa ‘factory reset’.


Mahalagang maprotektahan ang mga personal na impormasyon sa mga mobile gadget upang matiyak na walang problema kapag ibinenta o ipinalit ang mga ito.


Sa panahon ngayon na lahat na lang ay pinapasok ng mga ilegal, kailangang mas maging maingat. Hindi natin alam kung kelan makakahanap ng pagkakataon ang mga masasamang loob.


Apela naman sa mga otoridad, mas paigtingin pa ang giyera laban sa mga scammer at kriminal. Hindi puwedeng tinatawanan lang nila ang batas at tuloy sa kung anumang panlalamang at pang-aabuso ang ginagawa nila sa kapwa. Dapat silang mapigilan o masampulan.

0 comments

Recent Posts

See All

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page