Magbiyenang tulak, timbog sa drug-bust
@Balitang Probinsiya | October 15, 2023
CAPIZ -- Inaresto ng mga awtoridad ang magbiyenang drug pusher sa drug-bust operation ng mga operatiba kamakalawa sa Bgy. Punta-Tabuc, Roxas City sa lalawigang ito.
Ang mga suspek ay nakilalang sina Wilfredo Dinolo, 58 at Jonel Daban, 23, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.
Napag-alaman na may natanggap na impormasyon ang mga awtoridad na nagbebenta ng umano’y shabu ang magbiyenan kaya agad nagsagawa ng drug-bust operation ang pulisya na naging dahilan para madakip ang mga suspek.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad ng tatlong pakete ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang magbiyenang pusher na kapwa nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments