top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mag-utol pinagtataga ng lasing

  • BULGAR
  • Nov 23, 2022
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | November 23, 2022


AKLAN—Sugatan ang magkapatid na lalaki nang tagain sila ng lasing nilang kainuman kamakalawa sa Bgy. Agmailig, Libacao.


Ang magkapatid na biktimang nagtamo ng mga tama ng taga sa katawan ay nakilalang sina Ednol, 40-anyos at Edward Nervar, 30-anyos, samantalang ang suspek ay si Martin Catalon, 53-anyos, pawang residente sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, nang malasing si Catalon ay nakipagdiskusyon ito sa magkapatid na Nervar hanggang kumuha ng itak ang suspek at pinagtataga ang mga biktima.


Kaagad dinala ng mga saksi ang magkapatid na biktima sa ospital at kasalukuyan pa silang inoobserbahan sa pagamutan.


Nadakip at nakakulong na ang suspek na nahaharap sa kasong double frustrated murder.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page