top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Mag-utol, patay sa karambola

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 14, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | August 14, 2023


AKLAN -- Namatay ang magkapatid na lalaki sa karambola ng apat na sasakyan kamakalawa sa Bgy. Tambak, New Washington sa lalawigang ito.


Kinilala ang magkapatid na biktima na sina Jorlan, 28 at Joenard Tecson, 23, kapwa nakatira sa nasabing bayan.


Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol si Carlo Villanueva, nasa hustong gulang, sa pagmamaneho ng motorsiklo kaya nabangga nito ang motorsiklong kinalululanan ng magkapatid na Tecson, at pagkaraan ay nabangga rin ng minamanehong tricycle ni Eladio Maravilla at Toyota Fortuner na minamaneho naman ni Jose Mayor ang mga biktima.


Nabatid na dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital, pero kapwa sila idineklarang dead-on-arrival.


Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa naganap na aksidente.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page