Mag-utol na tulak, tiklo sa drug-bust
@Balitang Probinsiya | June 21, 2023
NEGROS OCCIDENTAL -- Tatlo katao, kabilang ang magkapatid na notoryus na drug pusher ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. 5, Silay City sa lalawigang ito.
Kinilala ang mga suspek na sina Bernard at Alfred Aturo, at isang Jenny Padaon, pawang nasa hustong gulang at mga residente sa nabanggit na lungsod.
Napag-alaman na naaresto ang mga suspek sa isinagawang drug-bust operation ng mga operatiba sa naturang lugar.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad ng 13 gramo ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nahahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments