top of page
Pokwang.jpg

Mag-utol na pusher, tiklo sa buy-bust

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 26, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 26, 2020



ILIGAN CITY—Naaresto ng mga awtoridad sa isinagawa nilang buy-bust operation ang magkapatid na drug pusher kamakalawa sa Bgy. Santiago.


Kinilala ang magkapatid na suspek na sina Robinson at Angelo Lambequit, kapwa nakatira sa nasabing lungsod.


Ayon sa ulat, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba sa nasabing lugar at nang pagbentahan sila ng shabu ng magkapatid na pusher ay agad dinakip ang mga suspek.


Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng limang sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.


Nakapiit na ang magkapatid na suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page