Mag-utol na pusher, nasakote
@Balitang Probinsiya | ngayong Abril 1, 2024
ILOILO CITY -- Inaresto ng mga otoridad ang magkapatid na drug pusher sa drug-bust operation ng mga operatiba, kamakalawa sa Brgy. Tanza Esperanza, City District sa lungsod na ito.
Ang mga suspek ay nakilalang sina Robery, 43, at Jun Martinez, 37, kapwa residente sa nasabing lungsod.
Napag-alaman na may tinanggap na impormasyon ang pulisya na nagbebenta ng umano’y shabu ang magkapatid kaya agad nagsagawa ng drug-bust operation ang mga otoridad na naging dahilan upang madakip ang mga suspek.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga otoridad ng sampung 62 gramo ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang magkapatid na pusher na kapwa nahahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments