Mag-utol na pusher, arestado
@Balitang Probinsiya | November 26, 2023
ILOILO -- Inaresto ng pulisya ang magkapatid na tulak umano sa drug-bust operation kamakalawa sa Brgy. Canoon, Estancia sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang magkapatid na suspek na sina Arman at Michael Diocos, kapwa nasa hustong gulang at parehong residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, nadakip ang mga suspek sa drug-bust operation ng mga operatiba sa nabanggit na barangay.
Nakapiit na ang magkapatid na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Nakakumpiska ang mga otoridad ng mahigit isang kilo ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mag-utol na suspek.



Comments