Mag-utol na most wanted, arestado
@Balitang Probinsiya | November 21, 2022
AKLAN—Magkasunod na nadakip ng pulisya ang magkapatid na most wanted criminal kamakalawa sa bayan ng Madalag.
Ang magkapatid na suspek ay kinilala ng pulisya na sina Rion, 23-anyos at Josan Inggo, 30-anyos, kapwa residente ng nabanggit na lalawigan.
Nabatid na unang naaresto si Rion sa Bgy. Paningayan at sumunod na nadakip si Josan sa Bgy. Balactasan, kapwa sa nasabing bayan.
Nabatid na dinakip ng pulisya ang mga suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nilang kasong murder.
Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa pulisya sa mga pinagtataguan nina Rion at Josan kaya agad rumesponde ang mga operatiba at dinakip ang mga suspek.
Hindi naman nanlaban sa pulisya ang mga suspek na kapwa nakapiit na sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments