Mag-utol na gunrunner, arestado
- BULGAR
- May 8, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | May 8, 2023
LANAO DEL SUR—Inaresto ng mga awtoridad ang magkapatid na gunrunner, kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Marawi City sa lalawigang ito.
Ang magkapatid na suspek ay kinilala na sina Abdul at Nasif Macarao, kapwa nasa hustong gulang at mga residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, naaresto ang mga suspek sa bisa ng search warrant at sa isinagawang raid ng mga operatiba sa bahay ng pamilya Macarao.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng ilang baril at mga bala sa pag-iingat ng mag-asawang suspek.
Nahaharap ngayon ang magkapatid na suspek sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions.



Comments