Mag-utol dedbol sa kuryente
@Balitang Probinsiya | Enero 31, 2023
CAMARINES SUR — Kapwa namatay ang magkapatid na batang lalaki nang makuryente, kamakalawa sa Bgy. Panday, Goa sa lalawigang ito.
Nakilala ang magkapatid na biktima na sina Christoper, 15-anyos at Greg Mojado, 12, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, pinuputol umano nina Christoper at Greg ang isang puno ng saging sa pamamagitan ng itak, at nang mabuwal ang puno ay tumama ito sa nakalaylay na kawad ng kuryente, kaya nakuryente ang magkapatid.
Agad dinala ng mga saksi ang magkapatid sa ospital, pero kapwa sila idineklarang dead-on-arrival.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa naganap na insidente.



Comments