Mag-jowa timbog sa drug-bust
@Balitang Probinsiya | Enero 12, 2023
ISABELA—Inaresto ng mga awtoridad ang magkasintahang drug pusher sa isinagawang drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. Mabini, Santiago City.
Kinilala ang mga suspek na sina Nestor Nolasco, 28-anyos at alyas "Christine," 18-anyos, kapwa residente sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, naaresto ang mga suspek sa isinagawang drug-bust operation sa nabanggit na barangay.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng isang pakete ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments