top of page
WINNER - MAGULANG NI VINCENT, GALIT NA GALIT NA ITINAGO SA KANILA ANG KASAL KAY BEA-FB Nan

Mag-ina, dedbol sa bus

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 19, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | August 19, 2023


CEBU -- Namatay ang mag-ina nang mabangga ng isang pampasaherong bus ang kinalululanan nilang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Minolos, Barili sa lalawigang ito.


Hindi muna pinangalanan ang mag-inang nasawi hangga’t hindi naipapabatid sa kanilang pamilya ang aksidenteng pagkamatay ng mga biktima.


Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho ng bus si Roldan Sestoso, nasa hustong gulang, kaya nabangga nito ang motorsiklong kinalululanan ng mag-ina.


Nabatid na nagtamo ng mga sugat sa ulo at katawan ang mga biktima. at dinala sa pagamutan, pero kapwa idineklarang dead-on-arrival.


Nahaharap ngayon si Sestoso sa kasong reckless imprudence resulting to double homicide and damage to property.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page