top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Mag-bff, tiklo sa baril at patalim

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 29, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 29, 2023


BULACAN -- Dinakip ng mga awtoridad ang magkaibigang may dalang baril at patalim kamakalawa sa loob ng isang restobar sa Bgy. Tangos, Baliwag City sa lalawigang ito.


Hindi na muna pinangalanan ng mga awtoridad ang dalawang suspek habang iniimbestigahan sila sa himpilan ng pulisya.


Ayon sa ulat, may nag-report sa pulisya tungkol sa isa sa dalawang suspek na nagpapakita ng baril sa loob ngg restobar.


Dahil dito ay mabilis na rumesponde ang mga tauhan ng pulisya at agad dinisarmahan ang suspek na may dalang baril at nakumpiskahan ng patalim ang isa pang suspek.


Nakapiit na ang mga suspek na kapwa nahaharap sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions, illegal possession of deadly weapon at paglabag sa Comelec gun ban.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page