top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Mag-bf na tulak, timbog

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 24, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | June 24, 2023



NEGROS OCCIDENTAL -- Inaresto ng mga awtoridad ang magkasintahang drug pusher sa drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. Mambulac, Silay City sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang magkasintahang drug pusher na sina Gerardo Gelisanga, 32, at alyas “Liza”, 22, kapwa nakatira sa nasabing lungsod.


Ayon sa ulat, nadakip ang mga suspek sa isinagawang drug-bust operation ng mga operatiba sa nabanggit na barangay.


Nakakumpiska ang mga awtoridad ng 7 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.


Nakapiit na ang magkasintahang suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page