Mag-bf na tulak, arestado
- BULGAR
- Feb 24, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | Pebrero 24, 2023
ALBAY—Inaresto ng mga awtoridad ang magkasintahang drug pusher sa buy-bust operation kamakalawa sa Bgy. Orosite, Legazpi City sa lalawigang ito.
Ang magkasintahang suspek ay itinago muna ng pulisya sa mga pangalang "Minsoy", 33, at "Jocelyn", 32 habang iniimbestigahan pa sila ng mga awtoridad.
Ayon sa ulat, naaresto ang mga suspek sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba sa nabanggit na barangay.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng 12 pakete ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng magkasintahang suspek.
Nakapiit na ang magkasintahang suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments