Mag-asawang tulak, tiklo sa drug-bust
- BULGAR
- Nov 28, 2021
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | November 28, 2021
CAMARINES NORTE--Inaresto ng mga awtoridad ang mag-asawang drug pusher sa drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. Gahonon, Daet.
Hindi na muna pinangalanan ng mga awtoridad ang mag-asawang suspek habang isinasailalim sila sa masusing imbestigasyon upang madakip ang mga drug dealer na nagsu-supply sa kanila ng droga.
Ayon sa ulat, naaresto ang mga suspek sa isinagawang drug-bust operation ng mga operatiba sa nabanggit na barangay.
Nakapiit na ang mag-asawang suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng dalawang gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mag-asawang suspek.



Comments