Mag-asawang tulak, tiklo sa buy-bust
- BULGAR

- Nov 26, 2020
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | November 26, 2020
LANAO DEL SUR—Naaresto ng pulisya sa isinagawa nilang buy-bust operation ang mag-asawang drug pusher kamakalawa sa bayan ng Wao.
Ang mga suspek ay kinilala ng pulisya na sina Busran at Monera Ampatua, kapwa residente sa nabanggit na bayan.
Nabatid na nagsagawa ng buy-bust operation sa naturang lugar dahilan laya nadakip ang mag-asawang suspek.
Nabatid na nakakumpiska ang pulisya ng ilang gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mag-asawang pusher na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments