Mag-asawang tulak, 3 pa tiklo sa drug den
@Balitang Probinsiya | April 01, 2023
CAPIZ—Limang katao, kabilang ang mag-asawang notoryus na drug pusher ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa isang drug den sa Bgy. Intongcan, Pontevedra sa lalawigang ito.
Hindi na muna pinangalanan ng mga awtoridad ang mga suspek habang iniimbestigahan sila ng mga operatiba.
Napag-alaman na may tinanggap na impormasyon ang mga awtoridad na ginagawang drug den ang isang bahay sa naturang barangay kaya agad itong sinalakay at dito nadakip ang mga drug pusher.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad ng 120 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nahahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments