top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mag-asawang tulak, 1 pa huli sa drug-bust

  • BULGAR
  • Dec 15, 2022
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | December 15, 2022


CAMARINES SUR—Inaresto ng mga awtoridad ang mag-asawang drug pusher at isa pang lalaki sa isinagawang drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. Concepcion Pequena, Naga City.


Kinilala ang mga suspek na sina Lolito at Melrose del Rosario at isa pang drug pusher na si Benjamin Fernandez, pawang nasa hustong gulang at mga residente sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, naaresto ang mga suspek sa isinagawang drug-bust operation sa nabanggit na barangay.


Nakakumpiska naman ang mga awtoridad ng mga shabu na nagkakahalaga ng mahigit P3 milyon sa pag-iingat ng mga suspek.


Nakapiit na ang tatlong suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page