top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mag-asawang Taong Singko, sure ang pagyaman sa negosyo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 6, 2021
  • 1 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| February 6, 2021



Dear Maestro,


Pareho kami ng mister ko na kagagaling lang sa abroad at may kaunti na kaming naipon. Kaya ngayon ay nagbabalak kaming kumuha ng tindahan o puwesto sa palengke sa bayan. Susuwertehin ba kami sa ganitong negosyo o mas dapat na mag-abroad na lang ulit kami? Isinilang ako noong October 23, 1979 at February 5, 1973 naman ang birthday ng mister ko.

Umaasa,

Luisa ng San Vicente, Apalit, Pampanga


Dear Luisa,


Ayon sa birth date mong 23 o 5 (2+3=5) at nagkataong 5 ang birth date ng iyong mister sa zodiac sign mong nasa pagitan ng Libra at Scorpio, habang Aquarius naman si mister, tunay ngang higit kayong susuwertehin sa pagnenegosyo na may kaugnayan sa grocery, tulad ng pagtitinda ng bigas, asukal, mantika, kape, sabon, de lata at kung anu-ano pang pang-araw-araw na pangangailangan ng mga tao.


Kapag ganyan ang inyong naging produkto at pagkatapos ay nairasyon o nai-rolling n'yo pa ito sa kung saan-saang lugar, sa negosyong nabanggit, tiyak na kayo ay uunlad, aasenso hanggang sa tuluyang yumaman.


Makukumpirma na kayo ay yayaman sa pagnenegosyo kung isa sa inyo ni mister ay may bilugang hugis ng mukha at pangangatawan o may kitang-kitang nunal sa mukha.


Kung isa man sa inyo ang ganyan ang pisikal na deskripsyon, mababa na medyo pandak na mataba, tulad ng nasabi na, tiyak na kayo ay yayaman sa plano n'yong negosyo na magsisimulang mangyari sa 2034, sa edad mong 55 pataas at 61 naman si mister.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page