top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Mag-asawang senior, todas sa SUV

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 30, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 30, 2023


NEGROS OCCIDENTAL – Namatay ang mag-asawang senior citizens nang mabangga ng isang SUV ang kinalululanan nilang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Tabao Proper, Villadolid sa lalawigang ito.


Ang mag-asawang nasawi ay nakilalang sina Alfredo, 73 at Felicidad Barte, 63, kapwa nakatira sa Bgy. Miranda, Hinigaran sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol ang hindi pinangalanang driver ng SUV sa pagmamaneho kaya nabangga nito ang motorsiklong kinalululanan ng mga biktima.


Nabatid na nagtamo ng mga sugat sa ulo at katawan ang mga biktima habang dinala sila sa pagamutan, pero idineklarang dead-on-arrival ang mag-asawang Barte.


Nahaharap ang driver ng SUV sa kasong reckless imprudence resulting to double homicide and damage to property.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page