Mag-asawang pusher, huli sa drug-bust
- BULGAR
- Jun 30, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | June 30, 2023
ILOILO -- Inaresto ng mga awtoridad ang mag-asawang drug pusher sa drug-bust operation kamakalawa sa Molo District, Iloilo City sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang mag-asawang suspek na sina Vic at Ramezis Vega, kapwa nasa hustong gulang at residente sa nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, naaresto ang mga suspek sa isinagawang drug-bust operation ng mga operatiba sa nabanggit na barangay.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng 50 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mag-asawa.
Nakapiit na ang mga suspek na kapwa nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments