Mag-asawang pusher, arestado sa drug-bust
@Balitang Probinsiya | Enero 15, 2023
AKLAN—Dinakip ng mga awtoridad ang mag-asawang drug pusher sa drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. Laguinbanwa East, Numancia.
Kinilala ng pulisya ang mag-asawang suspek na sina Rosalie, 18-anyos at Chrismar Paterno, 25-anyos, kapwa nakatira sa bayan ng Kalibo sa nabanggit na lalawigan.
Ayon sa ulat, naaresto ang mga suspek sa isinagawang drug-bust operation sa nabanggit na barangay.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng anim na sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mag-asawang suspek.
Nakapiit na ang mag-asawang suspek na kapwa nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments