top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mag-asawang NPA, sumurender

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 11, 2021
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | February 11, 2021



CAGAYAN—Sumuko sa pamahalaan ang mag-asawang miyembro ng New People’s Army (NPA) kamakalawa sa bayan ng Allacapan.


Ang mag-asawang komunista na sumuko ay sina Ronald alyas Ka Lando at Evangeline Sebastian alyas Ka Ela, kapwa miyembro ng NPA na nag-o-operate sa naturang lalawigan.


Nabatid na isinuko rin ng mag-asawa ang mga dala nilang baril at bala sa Cagayan Provincial Police Office.


Ayon sa mag-asawang NPA, nais na nilang magbagong-buhay kaya nagpasya silang sumuko sa gobyerno.


Isinasailalim na sa taktikal na interogasyon ang mag-asawang sumukong NPA upang masigurong bukal sa kanilang kalooban ang pagbaballik-loob sa pamahalaan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page