Mag-asawang NPA nagutom, sumurender
@Balitang Probinsiya | December 12, 2021
PALAWAN—Dahil sa nararanasang gutom sa bundok, nagpasya ang mag-asawang miyembro ng New People’s Army (NPA) na sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa bayan ng Roxas.
Ang mag-asawang sumukong NPA ay kinilala lang ng mga awtoridad sa mga alyas na Ka Guiller at Ka Sandra, kapwa kasapi ng NPA na nag-o-operate sa lalawigan.
Napag-alamang isinuko rin ng mag-asawa ang mga dala nilang armas, bala at subersibong dokumento sa mga awtoridad.
Ayon sa mga sumukong NPA, nakararanas na umano sila ng gutom sa bundok at nais na rin nilang magbagong-buhay kaya sumuko sila sa pamahalaan.



Comments