Mag-asawang nangikil sa parak, timbog
- BULGAR
- May 16, 2021
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | May 16 2021
ZAMBOANGA DEL SUR—Arestado ang mag-asawang nangikil sa pulis kamakalawa sa Bgy. Dao, Pagadian City.
Kinilala ang mag-asawang suspek na sina Ariel, 54-anyos at Emily Basas, 44-anyos, kapwa residente sa nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, ang biktimang si P/Sgt. Rodyl Armada, nakatalaga sa Tukuran Municipal Police Station ang may hawak sa kasong vehicular accident na kinasasangkutan ng isang kamag-anak ng mga suspek.
Nabatid na nagkaroon ng settlement sa pagitan ng mga sangkot sa vehicular accident at dahil dito ay hindi na itinuloy ni Armada ang pagsasampa ng kaso.
Napag-alamang ikinagulat ni Armada nang hingan siya ng P30,000 ng mag-asawang suspek bilang kabayaran umano sa pagpapabaya niya sa kaso gayong may settlement namang naganap at hindi naman ang mag-asawang Basas ang sangkot sa vehicular accident.
Dahil dito, nagkasa ng entrapment operation ang mga awtoridad at nang tanggapin ang pera ay dito na inaresto ng mga operatiba ang mag-asawang suspek.



Comments