top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Mag-asawang bigtime tulak, arestado

BULGAR
Jan 23, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Enero 23, 2023


CAMARINES SUR -- Inaresto ng mga awtoridad ang mag-asawang bigtime drug pusher sa drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. Tabuco, Naga City sa lalawigang ito.


Ang mag-asawang suspek ay kinilala ng pulisya na sina Ernan at Nelyn Tobias, kapwa nasa hustong gulang at mga residente ng Bgy. Patimbao, Sta. Cruz, Laguna.


Ayon sa ulat, naaresto ang mga suspek sa isinagawang drug-bust operation ng mga operatiba sa nabanggit na barangay.


Nakapiit na ang mag-asawang suspek na kapwa nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Nakakumpiska ang mga awtoridad ng 1,500 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mag-asawang suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page